Telebisyon
Isinulat ni: Mam Ruf Official
Araw ng Sabado. Ang pamilyang Ang ay maagang nagising. Sila ay kumain nang kanilang agahan at nagbihis ng kanilang damit. Sama-samang lumabas ng bahay ang mag-anak at sumakay sa traysikel na nakaparada sa harapan ng kanilang bahay.
Pagdating sa bayan, ang mag-anak ay dumeretso sa maliit na department store at pumipili ng isang telebisyon. Matagal na nilang gustog magkaroon ng telebisyon. Kaya ngayong nagkaroon sila ng pera ay kanila itong ipinambili ng bagay na iyon.
Pagkatapos magbayad ay agad silang umuwi. Pagkarating sa kanilang bahay ay agad nilang inilabas ang telebisyon at ito ay ikinabit sa kanilang lalagyan. at pagkatapos ay masayang nanood ng telebisyon ang buong mag-anak.
1. Anong araw nangyari ang kwento?
2. Ano ang sinakyan ng mag-anak papuntang bayan?
3. Ano ang pangalan ng tindahan na kanilang pinagbilhan?
4. Ano ang kanilang binili doon?
5. Ano ang pamagat ng kwento?
No comments:
Post a Comment