Banghay Aralin sa Filipino II
I.
Layunin:
Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng
tao (ako, ikaw, siya)
F2WG-Ig-3
II.
Paksa
at Kagamitan:
A.
Paksa:
Paggamit sa mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya)
B.
Sanggunian:
MELC p. 147, Ang Bagong Batang Pinoy
Filipino II, Google
C.
Kagamitan:
Aklat, tula, orasan, IMs, real objects
D.
Konsepto:
Panghalip na Panao ang tawag sa mga salitang ginagamit bilang pamalit sa
ngalan ng tao kagaya ng ako, ikaw at siya.
III.
Pamamaraan:
A.
Panimulang
Gawain
a.
Pagbabaybay
Ipabaybay sa mga mag-aaral ang
mga sumusunod na mga salita.
1. kamatis- Ang kamatis ay
nagtataglay ng lycopene na panlaban sa
paglaganap
ng cancer cells.
2. kalabasa- Ang
pagkain ng kalabasa ay mainam upang luminaw at
maiwasan ang pagkasira ng mata.
3. kangkong- Ang pagkain
sa dahon at mga tangkay ng kangkong ay
mabisang gamot para sa hirap sa pagdumi.
4. kabute- Ang kabute ay nagpapanatili
ng malusog na mga selula ng pulang
dugo na kung saan ay nagpapalakas sa ating
immune system.
5. kanin- Ang kanin ay nakakatulong ito upang mabigyan ang katawan ng
bata ng enerhiya at kalakasan.
Estratehiya: Integrasyon sa Health, Explicit Teaching
b.
Pagbabasa
Ipabasa sa mga mag-aaral ang
mga salitang kanilang ibinaybay. Ipaulit ito ng dalawang beses.
c.
Balik-Aral
Itanong sa mga bata kung ano
ang Pang-ukol.
Ang Pang-ukol ay bahagi ng
pananalita na nag-uugnay sa
pangngalan,
pandiwa, panghalip, o pang-abay sa iba pang mga salita
sa
loob ng pangungusap.
d.
Pagwawasto
ng Takdang-Aralin
Etsek ang takdang-aralin ng mga bata. Ang mga mag-aaral
ang mismong magtetsek sa kanilang takdang-aralin.
Gamitin ang Pang-ukol na ni o nina.
1.
Maganda ang bagong sapatos ___ Lhoureen.
2.
Masarap ang ulam ___ Althea at Andrea.
3.
Dinala ___ Kurt ang malaking basket.
4.
Matulis ang lapis ___ Jhoanna.
5.
Kulay asul ang damit ___ Ecan at Ella.
Estratehiya: Reflective Learning
B.
Panlinang
na Gawain
a.
Pagganyak
Ipapangkat sa tatlong grupo ang
mga mag-aaral.
·
Bawat grupo ay pipili ng isang miyembro na
siyang maging representante ng grupo.
·
Ang unang grupo ay sasabihin ang salitang “ako”.
Ang pangalawang grupo ay
sasabihin ang salitang “ikaw”.
Ang pangatlong grupo ay
sasabihin ang salitang “siya”.
·
Magpapatagalan ang bawat grupo, at ang mga
miyembro naman ng bawat grupo ang siyang magbibilang.
·
Pagkatapos, isusulat ng lider sa pisara kung
hanggang anong bilang ang naabot nang grupo.
·
Kung sino ang may pinakamatagal na bilang, ang
siyang mananalo.
Estratehiya: Oral,
Numeracy Skills
b.
Paglalahad
Magpapabasa ng isang tula sa mga mag-aaral. At pagkatapos ay
tatanungin ang mga bata kung ano ang kanilang napapansin sa kanilang binasa.
Covid-19: Iwasan
ni Ruffa T. Ruela
Ang sakit na
COVID-19 ay napakadelikado
Ako man ay nababahala ukol ditto
At maging ikaw man siguro
At sa kung ano man
ang magiging dulot nito.
Ako ay nag-iingat para ito ay
maiwasan
Ayokong lumabas ng
bahay kung hindi kinakailangan
Kaya sana ikaw ay gayun din man
Dahil tayo rin
lang naman ang magtutulungan.
Dapat tayo ay
umiwas nito
Magiging malinis sa katawan at sa pagsunod sa protocol ay
dapat na husto
Huwag kalimutang
tumawag sa taas at magpasalamat
Pagkat siya lang ang may alam ng lahat.
Estratehiya: Lecture Discussion, Inquiry Teaching, Special
Educational Needs
of Learners in
difficult circumstances (Chronic
illness)
c.
Gawain
C.1
Gawain 1 (Teacher to Pupil)
Gamit ang laptop, ang guro ay magpapakita ng mga pangungusap at babasahin
ito ng wasto ng mga bata at gagamitan ng mga Panghalip na Panao na ako, ikaw at
siya upang punan ang mga pangungusap.
Estratehiya: Literacy Skills, ICT Integration (hayaan na ang mga bata
ang magmamanipula sa laptop)
C.2
Gawain 2 Hanapin Mo Ako! (Pupil to Material)
Lingid sa
kaalaman ng mga mag-aaral, may mga bagay sa loob ng sild-aralan na dinikitan ng
mga Panghalip na Panao na ako, ikaw at siya. Hahanapin ito ng mga bata at kapag
nahanap na nila, gagawan nila ng pangungusap gamit ang ako, ikaw at siya.
Estratehiya: Laro
C.3
Gawain 3 (Pupil to Pupil)
Pangkatin
ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat at
ipagawa
ang mga sumusunod.
Pangkat 1
Ang
mga mag-aaral ay guguhit ng isang bagay sa manila paper at susulat ng isang pangungusap
batay dito gamit ang mga panghalip na Panao na ako, ikaw at siya.
Pangkat 2
Ang mga
mag-aaralay babasahin ang mga pangungusap at bibilugan ang wastong panghalip na
panao na ako, ikaw at siya sa loob ng saklong.
Pangkat 3
Ang mga
mag-aaral ay susulat ng tatlong pangungusap gamit ako, ikaw at siya.
Pagkatapos ay kanila itong babasahin o ibabalita sa harapan.
Estratehiya: Integrasyon sa Arts, Balitaan
d.
Paglalahat
Kalian natin ginagamit ang Panghalip
na Panao na ako, ikaw at siya?
·
Ang Ako
ay panghalip panao na ginagamit na pamalit sa ngalan ng taong na nagsasalita.
·
Ang Ikaw
ay panghalip panao na ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng taong kinakausap.
·
Ang Siya
ay ipinapalit para sa ngalan ng isang taong pinag-uusapan.
e.
Paglalapat
Magpapakita
ang guro ng isang orasan sa mga bata. Bawat oras ay may nakalagay na Panghalip
na Panao na ako, ikaw at siya.
ΓΌ Tatawag
ang guro ng isang mag-aaral na magmamanipula sa mahaba at maikling kamay ng
orasan.
ΓΌ Pagkatapos
mailagay sa oras ng mag-aaral, siya ay tatawag ng isang kaklase upang ibigay
ang tamang oras at kung ano ang Panghalip na Panao na makikita rito ay kaniyang
gagamitin sa isang pangungusap.

![]()
![]()
![]()
![]()
![]()
![]()
![]()
![]()
![]()
![]()
![]()
![]()
Value
Infusion:
Ano
ang tama nating gawin upang mapahalagan ang oras?
Estratehiya: Numeracy Skills,
Laro, Integrasyon sa ESP
IV.
Ebalwasyon
Gamitin ang Panghalip na Panao
na ako, ikaw at siya upang mabuo ang mga pangungusap.
1. _____ ay nakatira sa Brgy. Picas Sur Abuyog,
Leyte.
2. _____ ba ang panganay na anak sa inyong
magkakapatid?
3. _____ ba ang sinasabing nagnakaw ng bisikleta?
4. _____ ay nanaginip ng masama kagabi.
5. _____
nalang ang kumuha ng payong sa inyong bahay.
V.
Gawaing-Bahay
Sumulat ng limang pangungusap
gamit ang Panghalip na Panao na ako,
ikaw at siya.
Remediation:
Ituro uli sa mga bata
kung ano ang gamit ng Panghalip na Panao na
ako, ikaw at siya.
Reinforcement:
Sumulat ng tig-dadalawang
pangungusap gamit ang ako, ikaw at siya.
Enrichment:
Sumulat
ng isang sanaysay patungkol sa mga nangyayari ngayong Pandemic gamit ang mga
Panghalip na Panao na ako, ikaw at siya