Monday, April 24, 2023

Telebisyon

Telebisyon 

Isinulat ni: Mam Ruf Official


                        Araw ng Sabado. Ang pamilyang Ang ay maagang nagising. Sila ay kumain nang kanilang agahan at nagbihis ng kanilang damit. Sama-samang lumabas ng bahay ang mag-anak at sumakay sa traysikel na nakaparada sa harapan ng kanilang bahay. 

                            Pagdating sa bayan, ang mag-anak ay dumeretso sa maliit na department store at pumipili ng isang telebisyon. Matagal na nilang gustog magkaroon ng telebisyon. Kaya ngayong nagkaroon sila ng pera ay kanila itong ipinambili ng bagay na iyon. 

                             Pagkatapos magbayad ay agad silang umuwi. Pagkarating sa kanilang bahay ay agad nilang inilabas ang telebisyon at ito ay ikinabit sa kanilang lalagyan. at pagkatapos ay masayang nanood ng telebisyon ang buong mag-anak. 


1. Anong araw nangyari ang kwento? 

2. Ano ang sinakyan ng mag-anak papuntang bayan? 

3. Ano ang pangalan ng tindahan na kanilang pinagbilhan? 

4. Ano ang kanilang binili doon? 

5. Ano ang pamagat ng kwento? 

 



Monday, July 25, 2022

Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya) Code: F2WG-Ig-3

 

Banghay Aralin sa Filipino II

 

I.                    Layunin: Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya)

    F2WG-Ig-3

Text Box: Pagpapahalaga sa Oras                                                

 

 

 

II.                  Paksa at Kagamitan:

A.      Paksa: Paggamit sa mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya)

B.      Sanggunian: MELC p. 147, Ang Bagong Batang Pinoy Filipino II, Google

C.      Kagamitan: Aklat, tula, orasan, IMs, real objects

D.      Konsepto: Panghalip na Panao ang tawag sa mga salitang ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng tao kagaya ng ako, ikaw at siya.

 

III.                Pamamaraan:

A.      Panimulang Gawain

a.       Pagbabaybay

Ipabaybay sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga salita.

1. kamatis- Ang kamatis ay nagtataglay ng lycopene na panlaban sa

                       paglaganap ng cancer cells.

2. kalabasa- Ang pagkain ng kalabasa ay mainam upang luminaw at

                       maiwasan ang pagkasira ng mata.

3. kangkong- Ang pagkain sa dahon at mga tangkay ng kangkong ay

                      mabisang gamot para sa hirap sa pagdumi.

4. kabute- Ang kabute ay nagpapanatili ng malusog na mga selula ng pulang

       dugo na kung saan ay nagpapalakas sa ating immune system.

5. kanin- Ang kanin ay nakakatulong ito upang mabigyan ang katawan ng

                      bata ng enerhiya at kalakasan.

 

Estratehiya: Integrasyon sa Health, Explicit Teaching

 

b.      Pagbabasa

Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga salitang kanilang ibinaybay. Ipaulit ito ng dalawang beses.

 

 

c.       Balik-Aral

Itanong sa mga bata kung ano ang Pang-ukol.

                                                                                Ang Pang-ukol ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa

                                                                pangngalan, pandiwa, panghalip, o pang-abay sa iba pang mga salita

                                                                sa loob ng pangungusap.

 

 

d.      Pagwawasto ng Takdang-Aralin

Etsek ang takdang-aralin ng mga bata. Ang mga mag-aaral ang mismong magtetsek sa kanilang takdang-aralin.

           

            Gamitin ang Pang-ukol na ni o nina.

1.       Maganda ang bagong sapatos ___ Lhoureen.

2.       Masarap ang ulam ___ Althea at Andrea.

3.       Dinala ___ Kurt ang malaking basket.

4.       Matulis ang lapis ___ Jhoanna.

5.       Kulay asul ang damit ___ Ecan at Ella.

 

Estratehiya: Reflective Learning

 

 

B.      Panlinang na Gawain

a.       Pagganyak

Ipapangkat sa tatlong grupo ang mga mag-aaral.

·         Bawat grupo ay pipili ng isang miyembro na siyang maging representante ng grupo.

·         Ang unang grupo ay sasabihin ang salitang “ako”.

Ang pangalawang grupo ay sasabihin ang salitang “ikaw”.

Ang pangatlong grupo ay sasabihin ang salitang “siya”.

·         Magpapatagalan ang bawat grupo, at ang mga miyembro naman ng bawat grupo ang siyang magbibilang.

·         Pagkatapos, isusulat ng lider sa pisara kung hanggang anong bilang ang naabot nang grupo.

·         Kung sino ang may pinakamatagal na bilang, ang siyang mananalo.

Estratehiya: Oral, Numeracy Skills

 

 

b.      Paglalahad

Magpapabasa ng isang tula sa mga mag-aaral. At pagkatapos ay tatanungin ang mga bata kung ano ang kanilang napapansin sa kanilang binasa.

Covid-19: Iwasan

ni Ruffa T. Ruela

 

Ang sakit na COVID-19 ay napakadelikado

Ako man ay nababahala ukol ditto

At maging ikaw man siguro

At sa kung ano man ang magiging dulot nito.

 

Ako ay nag-iingat para ito ay maiwasan

Ayokong lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan

Kaya sana ikaw ay gayun din man

Dahil tayo rin lang naman ang magtutulungan.

 

Dapat tayo ay umiwas nito

Magiging malinis sa katawan at sa pagsunod sa protocol ay dapat na husto

Huwag kalimutang tumawag sa taas at magpasalamat

Pagkat siya lang ang may alam ng lahat.

 

               

                                    Estratehiya: Lecture Discussion, Inquiry Teaching, Special Educational Needs

of Learners in difficult circumstances  (Chronic illness)

 

 

c.       Gawain

C.1 Gawain 1 (Teacher to Pupil)

Gamit ang laptop, ang guro ay magpapakita ng mga pangungusap at babasahin ito ng wasto ng mga bata at gagamitan ng mga Panghalip na Panao na ako, ikaw at siya upang punan ang mga pangungusap.

 

 Estratehiya: Literacy Skills, ICT Integration (hayaan na ang mga bata ang magmamanipula sa laptop)

 

 

C.2 Gawain 2 Hanapin Mo Ako! (Pupil to Material)

Lingid sa kaalaman ng mga mag-aaral, may mga bagay sa loob ng sild-aralan na dinikitan ng mga Panghalip na Panao na ako, ikaw at siya. Hahanapin ito ng mga bata at kapag nahanap na nila, gagawan nila ng pangungusap gamit ang ako, ikaw at siya.  

 

Estratehiya: Laro

 

 

C.3 Gawain 3 (Pupil to Pupil)

                                                                                                Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat at

                                                                                ipagawa ang mga sumusunod.

 

            Pangkat 1

                Ang mga mag-aaral ay guguhit ng isang bagay sa manila paper at susulat ng isang pangungusap batay dito gamit ang mga panghalip na Panao na ako, ikaw at siya.

 

Pangkat 2

Ang mga mag-aaralay babasahin ang mga pangungusap at bibilugan ang wastong panghalip na panao na ako, ikaw at siya sa loob ng saklong.

 

 

Pangkat 3

Ang mga mag-aaral ay susulat ng tatlong  pangungusap gamit ako, ikaw at siya. Pagkatapos ay kanila itong babasahin o ibabalita sa harapan.

 

                                                                Estratehiya: Integrasyon sa Arts, Balitaan

               

 

d.      Paglalahat

Kalian natin ginagamit ang Panghalip na Panao na ako, ikaw at siya?

 

·         Ang Ako ay panghalip panao na ginagamit na pamalit sa ngalan ng taong na nagsasalita.

·         Ang Ikaw ay panghalip panao na ginagamit bilang pamalit sa ngalan ng taong kinakausap.

·         Ang Siya ay ipinapalit para sa ngalan ng isang taong pinag-uusapan.

 

e.       Paglalapat

Magpapakita ang guro ng isang orasan sa mga bata. Bawat oras ay may nakalagay na Panghalip na Panao na ako, ikaw at siya.  

ü  Tatawag ang guro ng isang mag-aaral na magmamanipula sa mahaba at maikling kamay ng orasan.

ü  Pagkatapos mailagay sa oras ng mag-aaral, siya ay tatawag ng isang kaklase upang ibigay ang tamang oras at kung ano ang Panghalip na Panao na makikita rito ay kaniyang gagamitin sa isang pangungusap.

 

 

 

 

Image result for orasan clip art

 

Text Box: ako

Text Box: siya Text Box: ikaw

Text Box: siya

Text Box: ikaw

Text Box: ako Text Box: ako

 

Text Box: siyaText Box: ikaw

Text Box: ikawText Box: siya

Text Box: ako

 

 

 

 

                                               

                                                Value Infusion:

                                                                Ano ang tama nating gawin upang mapahalagan ang oras?

 

Estratehiya: Numeracy Skills, Laro, Integrasyon sa ESP

 

 

 

IV.                Ebalwasyon

Gamitin ang Panghalip na Panao na ako, ikaw at siya upang mabuo ang mga pangungusap.

1.        _____ ay nakatira sa Brgy. Picas Sur Abuyog, Leyte.  

2.        _____ ba ang panganay na anak sa inyong magkakapatid?

3.        _____ ba ang sinasabing nagnakaw ng bisikleta?  

4.        _____ ay nanaginip ng masama kagabi.  

5.       _____ nalang ang kumuha ng payong sa inyong bahay.  

 

 

V.                  Gawaing-Bahay

Sumulat ng limang pangungusap gamit ang Panghalip na Panao na ako, ikaw at siya.  

 

 

 

 

Remediation:

                        Ituro uli sa mga bata kung ano ang gamit ng Panghalip na Panao na

            ako, ikaw at siya.  

 

Reinforcement:

                        Sumulat ng tig-dadalawang pangungusap gamit ang ako, ikaw at siya.  

 

Enrichment:

Sumulat ng isang sanaysay patungkol sa mga nangyayari ngayong Pandemic gamit ang mga Panghalip na Panao na ako, ikaw at siya

Telebisyon

Telebisyon  Isinulat ni: Mam Ruf Official                              Araw ng Sabado. Ang pamilyang Ang ay maagang nagising. Sila ay kumain...